Ayaw namin sa Edmodo.com
Ang rason kung bakit ayaw namin sa http://www.edmodo.com ay dahil sa isang quiz namin sa Physics. Halos 40% ng klase namin bagsak. Di ko na matandaan kung gano ka dami yun,basta ang alam namin marami ang bumagsak. Ang iba dito ay connection failure ng connection sa computer lab namin. Nakakainis nga e. Ang mga pumasa lang e yung mga matatalino. Nakakainis. Nakakabagot. Yung tipo ng pakiramdam na inis na inis ka dahil hindi ka lang nakapasa dahil akala mo hindi ka na gagraduate dahil sa isang Physics test mo noong 3rd quarter na hindi mo naispasa. May isa akong classmate dati sa nagrepeat ata dahil sa Chemistry. Ayon, lumipat sa ibang school at hindi na namin kaklase. Nakakamiss nga minsan dahil ang dami naming mga alala. Minsan naaawa ako sakanya kasi baka hindi namin sya kasamang magmartsa sa graduation. Nakakainis ng lang isipin na maraming bumabagsak, o hindi nakakagraduate dahil sa hindi lang nakapagsubmit ng Thesis o Invesatigatory Project. Marami rin namang mga ibang bagay na pwedeng pagexaman. Well anyway,na-off topic na ako. Balik ulit tayo sa Edmodo. Sa aming eskwelahan, uso ang pagquiz ay sa bond paper o may pinaphotocopy ang teacher na kopya nung quiz,pero, noong Physics quiz namin,langya sa edmodo.com kami nagquiz at maraming bagsak. Kung nabasa mo ang last blog ko, makikita mo o mababasa mo na ang papel ay para sa mga lecture,searwoks at assignments sa eskwelahan. Nakakaawa ang mga susunod na hinerasyon pagkatapos namin dahil hindi na nila mararanasan ang sakit ng kamay namin sa kakasulat ng notes,pangongopya at kahit ano pa.
No comments:
Post a Comment